Marami sa nagiging partner namin sa negosyo ay mga empleyado. Tulad mo, gusto rin nila ng karagdagang kita maliban pa sa trabaho nila. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon!
Tumataas ang mga bilihin kaya gusto nila madagdagan din ang source of income nila para makasurvive at kalaunan mabago ang estado ng buhay. Maraming employees ang gusto ang ganitong negosyo pero marami din hindi gusto, bakit?
Isa sa mga dahilan ay marami kasi sa mga marketers na nasa MLM o multi-level marketing ang madalas manglait ng mga empleyado.
Di biro ang ginagawa ng mga networkers maabot lang nila ang pangarap nila pero di rin naman biro ang pagiging empleyado! Galing ako dyan!
Gigising sila ng maaga para di sila ma-late sa trabaho samantalang yung ibang networkers 2 oras bago makarating sa pinagusapan. Labas na dito yung ibang na-late kasi talagang puno ang sched ng maraming business appointments.
Ang empleyado kahit sigawan at pagalitan ng boss yan, papasok parin yan!
Pero yung ibang networkers napagalitan lang ni upline di na papakita.
Ang mas matindi! Nilait mo trabaho nya eh mas malaki pa pala kinikita nya sayo!
Itinuturo satin na magkaroon ng mataas na confidence pero hindi maging mapagmalaki at mapagmataas.
Be humble padin.
Para sa lahat ng networkers,
We are here to inspire hindi manlait at mang-away. Baka yung nilalait mo mas mataas pa commitment kaysa sayo.
Gusto natin mabuksan ang kaisipan nila sa ganitong negosyo pero hindi sa paraang unethical at unprofessional.
Importante sa business na to ang relationship,
Kung dito sablay kana, mahihirapan kang mag excel sa industriyang ito.
Be the light in the darkness to inspire and to enlighten others
-debasish mridha
#professionalism
#ethicalnetworkers
#hugotnetworker
Always be an inspiration
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
hi! salamat sa pagbisita! God bless you